top of page
loans3.jpg

LMPC Exclusive Loan Services

Loans and Services are exclusive for regular members of Luntian Multi-Purpose Cooperative Only.

SEMI - DISPERSAL

MGA PAMAMARAAN SA PAG-AAPPLY SA SEMI-DISPERSAL

PANIMULA:

Ang mga pamamaraang ito ay binuo ng Lupon ng Patnugutan upang malaman ang FORECAST ng baboy na kukuhanin ng Luntian MPC. Ito rin ang gabay ng mga empleyado na mag-sasagawa nito at upang malaman ang kanya-kanyng tungkulin.

  1. Pumunta sa Loan Processor(LP) upang humingi ng application form.

  2. Punuan ang lahat ng patlang para sa personal information.

  3. Ibigay sa Loan Processor(LP) matapos na mapunuan upang ma-review.

  4. Itatala ng LP ang lahat ng impormasyon ng account ng member na nag-aapply.

  5. Ibigay sa Main Sales Clerk upang ma-resibuhan ang magiging kabayaran ng ear tag.

  6. Ibigay sa teller ang lahat ng papeles(application form,resibo ng ear tag).

  7. Bayaran ang kabuuang halaga ng ear tag sa teller.

  8. Siguraduhin ng teller na lahat ng mga dokumentong binayaran ay may tatak na "PAID".

  9. Ibigay sa LP ang lahat ng mga papeles na kalakip ang OR para dito.

  10. Ibigay ng LP sa aplikante ang "STUB" na nakatala ang petsa na kanilang pinakasunduan sa pag-kuha ng baboy.

  11. Hintayin ang pagbisita ng Field Man 1 (CI/BI) sa nalolooban ng isang Linggo upang malagyan ng ear tag ang mga biik na inapply.

  12. Ingatan ng aplikante ang "STUB".

​

PAALAALA: Kung ang isang aplikante ay may past due, siya ay kailangang pumirma sa isang kasunduan. Ang pag-proseso nito ay pamamahalaan ng Loan Department at aaprobahan ng Punong Tagapamahala sa rekomendasyon ng Loan Departmene Head.

​

KASUNDUAN SA PAGBABAYAD NG PAST DUE:

  1. Halaga

      URI NG UTANG:

  • 30 days-Principal amount plus 2% monthly interest

  • Providential ISO days-Semi-dispersal- Principal amount plus 15% interest per annum at 2% monthly.

   2. Paraan

  • Monthly Payment

  • Lumpsum Payment

​

Pag-aaproba at pagsususog

Ang anumang nilalaman ng patakarang ito ay maaaring susugan at pagtibayin ng nakararaming bilang ng Lupon ng Patnugutan. Pinagtibay ngayong ika-22 ng Hulyo, 2016 at ito ay ipapatupad sa ika-1 ng Agosto, 2016.

Get in Touch

  • Facebook
  • Instagram

Get in touch in every updates.

Follow us on Facebook and Instagram!

bottom of page