top of page
loans3.jpg

LMPC Exclusive Loan Services

Loans and Services are exclusive for regular members of Luntian Multi-Purpose Cooperative Only.

RESTRUCTURED LOAN

(RE-STRUCTURING POLICY)

I.  Panimula

Layon ng programang ito na matulungan maiaayos ang pagkakautang ng mga kasapi na malaon nang di nababayaran. Nais nating mapanumbalik ang sigla sa pagbabayad ng utang at mabigyan ng pagkakataong makahiram muli ng puhunan.

II. Layunin:

  1. Mapababa ang past due rate ng kabuuang utang ng kasapi.

  2. Maisaaayos ang pagkolekta ng pautang sa mga kasapi.

  3. Mabigyan ng pagkakataon na makautang muli ang mga kasapi na sumailalim sa re-structuring program, kung lalagda sa isang kasunduan na ang kalahati ng kikitain ay ibabayad sa pagkakautang.

  4. Mapadami ang inaalagaang baboy.

  5. Mapalakas ang benta ng feeds at baboy.

  6. Madagdagan ang kita ng kooperatiba.

  7. Maisaayos ang liquidity ng kooperatiba.

III. Paraan ng pagpapabata (re-structuring) ng pagkakautang

  1. Kailangan bayaran ang unang interest at penalty base sa polisiya simula ng ito ay mag past due.

  2. Kapag nabayaran na ang unang interest at penalty pupunta sa loan processor, para maka fill up ng restructured form.

  3. Babayaran ito sa pamamagitan ng monthly amortization.

  4. Isang beses lamang puwedeng mag pa-restructured.

IV. MGA PATAKARAN

1.  Sino ang kwalipikadong kasapi na maaaring mag-avail sa programang pagpapabata ng utang (Loan Re-structuring).

    A. Mga kasaping may past due ng higit sa 180 days sa mga sumusunod na uri ng pautang:

  • 1. 30 days loan

  • 2. Semi-Dispersal loan 3. Hog Breeding project

  • 4 Productive Loan

  • 5. At iba pang uri ng pagkakautang

2. Ang past due na binabanggit sa itaas nito ay maaaring pabatain/re-structure batay sa naisin ng kasapi sumailalim sa programang ito.

3. Pataw na Interest at Penalty batay sa mga sumusunod na kategorya:

​

 

​

 

​

     Alinsunod sa bilang ng araw o buwan ng pagbabayad ng utang ayon sa isinasaad dito, na sakaling hindi matapusan bayaran ang pagkaka-utang ng panahong itinakda sa kasunduan ay mababaliwala, ito ay pasasailalim sa prosesong naaayon sa Polisiya ng BOD ukol sa hindi pagbabayad ng utang.

V. MGA ALITUNTUNIN

A. Ang mga kasapi na ang pagkakautang ay higit sa kanyang saping puhunan na ayaw magpapa-Restucture ay binibigyan ng dalawang (2) taon palugit lamang upang mabayaran ang kanyang utang at papatawan ng mga sumusunod.

  1. Agarang aalisin bilang kasapi ng Luntian MPC at ang kanyang saping puhunan at savings ay ibabawas sa kanyang pagkakautang.

  2. Ang balanse ng utang kasama ng tubo at multa matapos mabawas ang lahat ng Saping Puhunan at Savings ay ibibigay sa pangangasiwa ng ABOGADO ng Luntian MPC upang sumailalim sa prosesong legal o kaparaanan ng batas.

  3. Ang dating kasapi na nasampahan ng kaso sa hukuman ay mananagot sa pagbabayad sa Gastusin o danyos ng paglilitis.

B. Ang mga kasapi na ang pagkakautang ay higit sa kanyang saping puhunan na hindi magpapa Restructure subalit nagnanais nang tumiwalag bilang kasapi ng Luntian MPC ay marapat na mabayaran ang lahat ng kanyang pagkakautang at binibigyan ng pagkakataon na:

  1. Ibawas ang saping puhunan at savings sa kanyang kabuuang utang.

  2. Ang balanse ng utang na daglian niyang mababayaran ay pahihintulutan na alisin (waive) ang pataw na tubo at multa (interest and Penalty).

VI. DAGLIANG PAGBABAYAD NC, UTANG

Sa mga nagnanais na ipagpatuloy ang pagiging kasapi na gustong mabayaran agad ng cash ang kanyang pagkakautang ay binibigyan ng pagkakataon na alisin ang multa (penalty), ang babayaran na lamang ay ang kabuuang puhunan (Principal) at tubo 15%(interest).

TABLE.jpg

Get in Touch

  • Facebook
  • Instagram

Get in touch in every updates.

Follow us on Facebook and Instagram!

bottom of page