top of page
loans3.jpg

LMPC Exclusive Loan Services

Loans and Services are exclusive for regular members of Luntian Multi-Purpose Cooperative Only.

PRODUCTIVE LOAN

I. Patakaran

   Ito ay tatawaging patakaran sa pagpapautang na may kolateral sa mga regular na             kasapi ng kooperatiba. Ang pondo ng proyekto ay may halagang Limang Milyong Piso     (Php5,000,000.00)

II. Layunin

   Makatulong sa mga kasapi upang magkaroon ng:

  1. Dagdag puhunan para sa mga kasapi na may kaugnayan sa mga negosyo ng kooperatiba.

  2. Magkaroon ng karagdagang kita ang mga kasapi.

  3. Upang masuportahan ang panibagong pangkabuhayan at pinansiyal na pangangailangan ng mga kasapi.

IV. Pamamaraan

    A. Punan ang Application Form para sa pag-utang.

    B. Isusumite ang Application Form sa Loans Department para sa tamang proseso.

  1. Pagrepaso sa Application Form.

  2. Tiyaking legal ang mga dokumentong isinumite.

  3. Alamin ang halaga at paggagamitan ng inuutang.

  4. Alamin ang kakayahan ng pagbabayad ng kasaping umuutang.

  5. Pagbisita sa tamang lokasyon na nakasaad sa kolateral.

    C. Isusumite sa Pangkalahatang Tagapamahala para sa kaniyang pagsang-ayon.

    D. Dadalhin sa Registry of Deeds upang patatakan.

IV. Mga Kailangang Dokumento

    A. Orihinal na titulo ng lupa na nakapangalan sa kasaping umuutang.

    B. Orihinal na tax declaration at pinakahuling resibo ng buwisan.

    C. Vicinity map na may right of way.

    D. Insurance Policy-CLIMBS (optional)

V. Halaga, Tubo at Dagdag Saping Puhunan

A. Halaga

    Dagdag Puhunan na may kinalaman sa negosyo ng Luntian MPC

    (paghahayupan, pagtitinda ng feeds at meatshop, -50% ng appraised value (prevailing      market value) ng kolateral na hindi lalampas sa halagang Php 500,000.00.

B. Tubo -Sampung bahagdan (10%) kada taon.

C. Saping Puhunan - lsang bahagdan (1%) ng halaga ng inutang.

D. Insurance Coverage  -base sa halaga ng inutang. (optional)

VI. Pagbabayad

  1. Babayaran sa loob ng Isa't kalahating Taon(11/2) at ang umpisa ng pagbabayad  ay pagkalipas ng anim (6)na buwan (monthly amortization).

  2. Babawasin ang insurance premium.(optional)

  3. Ang halagang inutang ay dapat ibalik agad sa 100b ng Labinlimang Araw (15 araw) kapag napatunayan na hindi ginamit sa dahilang nakasaad sa Application Form at sasailalim sa proseso ng pag-iilit. Hindi na mabibigyan ng pagkakataong umutang muli sa Productive Loan.

  4. (2%) na dagdag-multa kada buwan kapag pumasa sa buwanang hulog.

VII. Proseso sa Pag-ilit ng Kolateral

  1. Kapag hindi nakabayad, bibigyan ng isang taong palugit para mabayaran ang utang kasama ang tubo at multa.

  2. Matapos ang isang taong palugit at hindi nabayaran ay isasailalim sa proseso ng pag-iilit.

VIII. Pag -aaproba at pagsususog

       Ang patakarang ito ay susog sa polisiya ng Productive Loan na pinagtibay noong ika-14 ng Disyembre 8, 2017. Ang alinmang nakasaad sa patakarang ito ay maaaring susugang muli ng nakararaming bilang ng Lupon ng Patnugutan. Pinagtibay at ipatutupad ngayong ika-28 ng Enero, 2019.

Get in Touch

  • Facebook
  • Instagram

Get in touch in every updates.

Follow us on Facebook and Instagram!

bottom of page