top of page
loans3.jpg

LMPC Exclusive Loan Services

Loans and Services are exclusive for regular members of Luntian Multi-Purpose Cooperative Only.

MEATSHOP CREDIT  LOAN

PATAKARAN SA PAGPAPAUTANG NG MEATSHOP (MEATSHOP CREDIT POLICY)

I. Pagpapahayag ng Patakaran

Ang patakarang ito ay binalangkas upang maging batayan ng mga kondisyon at hakbang sa pagpapa-utang at pagbebenta ng fresh meat at process Meat ng Meatshop. Ang pangunahing layunin nito ay upang mapaluwagan ang mga kasapi at empleyado ng Luntian MPC. Layunin din nito na matulungan at makapagbigay ng dagdag kita sa mga empleyado at kasapi ng Luntian MPC na nagnanais na magnegosyo o magtinda ng mga produkto ng Meatshop

Il. Paraan ng Pagpapatupad

    A. Sino ang mga maaaring makapangutang sa Meatshop ng Luntian MPC

  1. Regular at Associate na Kasapi ng Luntian MPC.

  2. Mga Regular at Contractual na Empleyado o Manggagawa ng Luntian MPC.

    B. Uri ng Mauutang

  1. Fresh Meat (ibat ibang parte ng katawan ng baboy)

  2. Processed Meat

    C. Halaga ng Mauutang

  1. Hanggang Isang Libong Piso ang maaaring mautang ng mga Empleyado at mga kasapi ng Luntian MPC

Pasubali:

Para sa mga Empleyado ng Luntian MPC

Maaaring payagang makapangutang ang mga Empleyado ng hihigit ga Isang Libong piso kung nakahandang lumagda sa isang kasulatan o ang tinatawag na Promissory Note (PN) at mangangako itong babayaran sa 100b ng Tatlumpong araw (30). Nakahandang magbayad ng penalty na 2% kada buwan kung sakaling hindi nito mabayaran sa takdang panahon.

Para sa mga Kasapi ng Luntian MPC

Maaaring payagan na makapangutang ang mga kasapi ng hihigit ga igang libong Piso, subalit ito ay nakabatay sa kanyang semi-dispersal na kung saan ang bawat ulo ng baboy na nakapasok sa kanyang semi-dispersal ay may katumbas na halagang 100.00 na maaaring mautang sa meatshop subalit hindi lalampas sa 20% ng kanyang saping puhunan ang halagang maaari nitong mautang ga Meatshop. Bago pahintulutan ang isang kasapi na makapangutang sa Meatshop ng higit sa isang libong piso dapat siya ay sumasang-ayon at lumagda sa isang kasulatan o ang tinatawag na Promissory Note (PN). Sumasang-ayon din ito na sa oras na ihaul o kuhanin ng Luntian MPC ang kanyang mga alagang hayop na nakapasok sa semi-dispersal project ay kasabay na ding ibabawas ang kanyang pagkaka-utang sa Meatshop na may kasamang interest na 18%/annum o kaparehong computasyon ng interest sa semi-dispersal project.

III. Iba pang probisyon

     A. Pagbebenta ng mga natitirang Ulo at Pata sa panahong maraming kinatay sa Meatshop

     Layunin nito na mabawasan ang stock at mabilisang mabenta o mabili ng mga tao ang mga bahagi ng katawan ng baboy na kadalasang natitira sa mga panahong may mga okasyon tulad ng mga piyesta, graduation, pasko, bagong taon at iba pa na nangangailangan kumatay ang Meatshop ng maraming baboy.

  1. Magkakaroon ng 20% off sa presyo ng mga ULO at PATA na maaari lamang ipagbili o ipagbenta sa mga kasapi at mga Empleyado o mangagawa ng Luntian MPC.

  2. Ang 20% off ay ipagkakaloob lamang kung cash basis ang mga transaksyon

IV. Pagpapatibay at Pagsususog

Ang alinmang mga tadhana ng polisiya at patakarang ito ay maaaring susugan at pagtibayin ng nakararaming bilang ng Lupon ng Patnugutan.

Get in Touch

  • Facebook
  • Instagram

Get in touch in every updates.

Follow us on Facebook and Instagram!

bottom of page