Monday - Friday
8:00am - 5:00pm
Maharlika Highway,
Brgy. Lalig, Tiaong
Quezon Philippines
PLDT - 042 717 2291
GTSI - 042 585 7314
Mob. No. - 09518643372

LMPC Exclusive Loan Services
Loans and Services are exclusive for regular members of Luntian Multi-Purpose Cooperative Only.
HOG BREEDING POLICY
I. Pagpapahayag ng patakaran
Ang patakarang ito ay binalangkas upang maging maganda ang lahat ng klase ng baboy na inaalagaan at ibinebenta ng lahat ng kasapi ng Luntian MPC .
II. Layunin
-
Upang mapalakas ang benta ng baboy.
-
Upang mapalaki ang kita sa hog trading business.
-
Upang mabigyan ng magandang klase ng pinalaking baboy ang lahat ng mga mamimili.
-
Upang maiwasan ang pagtambak ng baboy sa holding pen.
-
Upang mabigyan ng magandang klase ng inahining baboy ang lahat ng kasapi ng Luntian MPC.
III. Mga kondisyon
-
Magsisimula sa sampung (10) ulo ng baboy, limang (5) GP at limang (5) Fl ang pamimilihin sa labas upang ilaman o aalagaan ng Luntian sa communal farm (CF).
-
Tanging mga anak lang ng GP na pwedeng gawing inahin at anak ng Fl ang ipagbebenta sa mga kasapi.
-
CASH BASIS ang lahat ng pagbebenta ng mga inahining anak ng GP at mga biik na anak ng Fl.
-
Tanging kasapi lang ng Luntian ang pwedeng pagbentahan ng mga ibebentang baboy o biik.
-
Magkakaroon ng schedule at batch ang pamamahagi ng mga anak ng GP at anak ng Fl sa mga kasapi.
-
Aalagaan at gagawing fattener sa communal farm ang mga anak ng GP na hindi pumasa na maging inahinin.
-
Magkakaroon ng pagsasala sa mga anak ng GP na ginawang fattener bago ito ibenta. (Ang lahat ng hindi papasa para gawing inahinin ay ilalaan sa meatshop para katayin.)
Note: A. Kung ang nais ng isang miyembro ay buluganin, kinakailangang magbayad ng reservation fee na halagang Php3, 0000.00 at ito ay non-refundable.
B. Ang edad ng buluganin bago ibenta ay kinakailangan 60 days
C. Ang presyo ng buluganin ay pagdedesisyunan ng Lupon ng Patnugutan.
8. SA PANAHON NA SOBRA ANG SUPPLY: Tanging mga anak lamang ng F1 ang ipapaiwi sa mga kasaping may mabuting katayuan (MIGS).
9. Ang pagpapaiwi ay naaayon sa mga alituntunin pinagkasunduan ng Lupon ng Patnugutan (BOD) sa "PAIWI SYSTEM POLICY".
10. Sa opisina lang ng Luntian magsasagawa ng mga kasunduan sa pagbebenta, pagpapaiwi at pagbabayad.
11. Ang Lupon ng Patnugutan ang tanging aaproba sa lahat ng kasunduan sa rekomendasyon ng Punong Tagapamahala.
IV. Paraan ng Pagpapatupad
-
Magsadya sa opisina ang isang kasapi upang alamin kung mayroong pangbentang inahinin o mga biik na anak ng Fl.
-
Luntian ang magbibigay kung ilang ulo ng inahinin at ilang anak ng Fl ang pwedeng ibenta para sa isang kasapi na bumibili.
-
Kinakailangang magbayad ng reservation fee na halagang Php500.00 kada ulo sa anak ng Flat Php1,000.00 sa anak ng GP at ito ay non-refundable.
-
Ang presyo ay pagdedesisyunan ng Lupon ng Patnugutan.
-
Kinakailangang ang edad ng mga biik ay animnapung (60) araw bago ibenta.
-
Pipili ng inahinin o biik ang kasapi sa communal farm(CF) ayon sa naaprobang bilang ng inahinin o biik at ito ay titimbangin. Babayaran sa kahera ang lahat ng halaga na bibilihing baboy na inahinin o biik bago mailabas sa communal farm.
-
Ii-schedule ang pag-pick up ng inahinin o biik sa Communal Farm.
-
Dadalhin ang resibo (OR) at gate pass na galing sa opisina upang maipakita sa Tagapamahala ng Communal Farm bago mabigyan at mailabas ang binayarang inahinin o biik (NO OFFICIAL RECEIPT, NO GATE PASS, NO EXIT)
-
Kukuhanin ng tagapamahala ng Communal Farm ang gate pass at iingatan para sa darating na pangangailangan( imbentaryo, at iba pa).
V. Mga tauhan at mga tungkulin ng bawa't isa
-
Tagapamahala/ Tagapag-Alaga
-
Maggagawa ng daily report ng mga nagawang trabaho.
-
Regular na magbibigay ng report sa opisina sa Punong Tagapamahala sa naging takbo ng operasyon sa buong isang linggo(Mon. -Sunday).
-
Mag-aassist at tutulong sa pag-check ng Veterinary Doctor sa mga alagang baboy.
-
lingatan ang lahat ng mga dokumento at resibo para sa mga isasagawang pananaliksik (Hal. resibo ng pakain, gamot, at atbp.).
-
May pananagutan sa Luntian sa ano mang mawawalang mga baboy, mga biik, at mga kagamitan na pag-aari ng Luntian na nasa 100b ng Communal Farm.
-
Magbibigay ng written report/s sa Punong Tagapamahala kung mayroon mang baboy na ginamot. (Hal. Sakit ng baboy, mga klase ng gamot na itinurok, dami ng bote ng gamot na nagamit, dosage..atbp.).
-
Pananatilihing malinis ang lahat ng kulungan at kapaligiran.
-
Regular na mag-di-disinfect ng mga kulungan at kapaligiran ayon sa itinakdang panahon.
-
Magpapakain ng feeds ayon sa itinakdang feeding program.
2. Veterinary Doctor
-
Regular na pagbisita ng isang(l) beses sa isang linggo o hihigit pa kung kinakailangan kung may problema ang mga alagang baboy sa Communal Farm.
-
Gagamutin ang lahat ng baboy na magkakasakit sa Communal Farm.
-
Magbibigay ng mga makabubuting pamamaraan ng pagaalaga sa taong Tagapamahala/Tagapag-alaga.
-
Magpapasya sa mga anak ng GP kung ilan ang mga pupwedeng gawing inahinin at mga pwede nang pangbenta.
-
Magbibigay ng initial na kaalaman o instructions ng pagaalaga sa mga kasaping bibili ng inahinin.
VI. Pag-aapruba at Pagsususog
Ang alinmang mga tadhana na polisiya at patakarang ito maaaring susugan at pagtibayin ng nakararaming bilang ng Lupon ng Patnugutan. Ito ay Pinagtibay ng may pagkakaisa ngayong ika- 13 ng Enero 2016 sa tanggapan ng Luntian MPC.



