top of page
loans3.jpg

LMPC Exclusive Loan Services

Loans and Services are exclusive for regular members of Luntian Multi-Purpose Cooperative Only.

CASH / CREDIT LOAN 

PATAKARAN SA PAGPAPAUTANG (CASH LOAN POLICY)

      I.   PAGPAPAHAYAG NG PATAKARAN

           Ang patakarang ito ay binuo upang maging batayan ng mga kundisyon sa pagpapahiram ng cash sa mga kasapi.

     II.    LAYUNIN

           Makapagpahiram sa mga kasapi na nagnanais magkaroon ng bagong negosyo.

     III. MGA KWALIPIKASYON

  1.      Mga kasaping may saping puhunan na hindi bababa sa Dalawampung Libong Piso (Php20,000.00).

  2.      Mga kasaping walang utang sa semi-dispersal at productive loan.

  3.      Mga kasaping hindi delingkwente.

    IV. HALAGA AT TUBO NG MAUUTANG

  1.      Halaga ng mauutang -80% ng saping puhunan.

  2.      Halaga ng patubo —9% kada taon (Diminishing Interest)

  3.      Halaga ng Capital Build-up na 3% ay babawasin sa halaga ng inuutang bago ibigay sa member.

  4.      Halaga ng penalty –2% kada buwan kapag lumampas sa takdang panahon ng pagbabayad.

    V. PAMAMARAAN NG PAG-UTANG

  1.      Magsadya sa Loans Department upang kumuha ng application form at punan ito.

  2.      Isumite ang filled up form para sa evaluation at recommendation.

  3.      Ibibigay sa Tagapamahala para sa kaniyang approval and noted by the Chairperson of the Board.

  4.       Ibigay ang application na na-approbahan sa Accounting Department para sa pagpoproseso na matatapos sa 100b ng seven (7) working days.

  5.       Makukuha ang halagang inuutang ayon sa patakaran ng accounting.

     VI. PARAAN NG PAGBABAYAD

  1.       Ang pagbabayad ay gagawin ayon sa pinagkasunduang amortization schedule na hindi lalampas sa isang taon.

  2.       Maaari rin itong bayaran ng lump sum.

    VII. MGA KUNDISYON

           Ang kasaping napagkalooban ng Cash Loan ay hindi na pinahihintulutang makapag-avail ng Semi-Dispersal, 30 Days, Productive at Meatshop hanggat hindi pa nababayaran ang pagkakautang sa Cash Loan.

    VIII. PAGTITIBAY AT PAGPAPATUPAD

           Ang patakarang ito ay susog sa Patakaran sa Pagpapautang (Cash Loan Policy) na pinagtibay noong ika-27 ng Hunyo, 2017, Ang alinmang nakasaad sa patakarang ito ay maaaring susugang muli ng nakararaming bilang ng Lupon ng Patnugutan. Pinagtibay ng ika-18 ng Agosto, 2021.

Get in Touch

  • Facebook
  • Instagram

Get in touch in every updates.

Follow us on Facebook and Instagram!

bottom of page