top of page
loans3.jpg

LMPC Exclusive Loan Services

Loans and Services are exclusive for regular members of Luntian Multi-Purpose Cooperative Only.

CORN AND PALAY LOAN

I.            Pagpapahayag ng Patakaran

       Ito ay tatawaging Polisiya sa Pagpapautang sa Pagtatanim ng Mais at Palay.

II.           Layunin

       Mabigyan ang mga kasapi ng ayudang pangkabuhayan sa pamamagitan ng pagtatanim ng palay at mais.

  1. Paghahanda ng lupa.

  2. Binhi ng mais at palay.

  3. Fertilizer

  4. Pesticide

  5. Pamatay-damo

III.           Kwalipikasyon at Kondisyon

  1. May magandang record sa pangungutang at hindi hihigit sa 100 heads ang nakapasok sa semi-dispersal program.

  2. May nakahanda nang lupa na pagtataniman.

  3. May kaalaman sa pagtatanim ng mais at palay.

  4. May sertipikasyon mula sa barangay/MAO na magpapatunay na ang kasapi ay lehitimong magtatanim.

  5. Hanggang Php50,000.00 kada ektarya ang maaring utangin.

  6. Kung hihigit sa tatlong (3) ektarya, kailangang magbigay ng kolateral.

IV.           Pamamaraan

  1. Punan ang Application Form para sa pag-utang.

  2. Isumite sa Loans Department ang Application Form para sa tamang proseso.

    1. Alamin ang halaga at paggagamitan ng inuutang.

    2. Alamin ang kakayahan ng pagbabayad ng kasaping umuutang.

    3. Pagbisita sa lokasyon na nakasaad sa aplikasyon.

3. Isusumite sa Pangkalahatang Tagapamahala para sa kaniyang pagsangayon.

V.            Pagbabayad

  1. Babayaran Tatlumpung (30) araw matapos anihin.

  2. Ang lahat ng pautang ay may 150 araw para bayaran na may pataw na 6% interest kada taon, at dagdag na 3% para sa capital build-up.

  3. Kapag lumampas sa palugit na 150 araw, magkakaroon ng penalty na 3% kada buwan.

  4. Kung lumampas ng anim (6) na buwan at hindi nabayaran ang pagkakautang, ang miyembro ay mapapabilang sa DELIQUENT MEMBER na ang loan.ng hanggang 2 ng tanggalin

  5. Kapag ang DELIQUENT MEMBER  na ang isang kasapi, ay hindi na sya makakaavail ng kanit anong loans.

  6. Kapag nagpatuloy ng hanggang 2 taon ang pagiging DELIQUENT MEMBER, siya ay maaring ng tanggalin sa kasapian

   7. Kapag nagkaroon ng past due,maaaring makautang muli kung ang kasapi ay may             valid reason at magkakaroon ng written agreement upang mabayaran ang past due

Mga valid reason:

  1. Namatay ang mga pananim.

  2. Hindi namunga.

  3. Binaha o binagyo.

VI. Pagpapatunay sa Valid Reason

  1. Bibisitahin at kukuhanan ng litrato ang taniman.

  2. Sertipikasyon ng barangay bilang patunay sa nangyari.

VII.          Pag-aaproba at pagsususog

      Ang patakarang ito ay susog sa polisiya ng Corn and Palay na pinagtibay noong ika-16 ng Marso, 2017. Ang alinmang nakasaad sa patakarang ito ay maaaring susugang muli ng nakararaming bilang ng Lupon ng Patnugutan. Pinagtibay at ipatutupad ng may pagkakaisa ngayong ika-7 ng Enero, 2022.

Get in Touch

  • Facebook
  • Instagram

Get in touch in every updates.

Follow us on Facebook and Instagram!

bottom of page