top of page
loans3.jpg

LMPC Exclusive Loan Services

Loans and Services are exclusive for regular members of Luntian Multi-Purpose Cooperative Only.

CHICKEN LAYING EGGS LOAN

POLISIYA PARA SA CHICKEN LAYING

I. Pagpapahayag ng Patakaran

Ang patakarang ito ay binalangkas upang maging batayan ng mga kundisyon at hakbang sa pagbibigay-tulong sa mga kasapi ng kooperatiba.

Il. Layunin

  1. Upang magkaroon ng dagdag na negosyo ang kooperatiba..

  2. Makapagbigay ng bagong negosyo sa mga kasapi.

  3. Matulungang muling makabawi ang mga naluging kasapi.

  4. Upang muling palakasin ang produksiyon ng feeds.

Ill. Halaga at Uri ng Uutangin

  1. Para sa mga direktang naapektuhan ng ASF (mga kasaping namatay ang mga alagang baboy at mga kasaping kasama sa 500 meters radius na sumailalim depopulation).

    • Cage

    • Ready to Lay Chicken- minimum of 240 heads.

    • Ready to Lay Chicken-higit sa 240 heads ay kailangang may kolateral.

    • Feeds

  2. Para sa hindi direktang naapektuhan ng ASF (mga kasaping nagbenta ng baboy ng wala sa panahon sa murang halaga dahil sa ASF)

    • Ready to Lay Chicken-maximum of 200 heads

    • Feeds

   3. Para sa mga hindi naapektuhan

         â—‹  Feeds

IV. Klase ng Kolateral na Registered Mortgage

  1. Land title (Certification from Registry of Deeds) -50% of market value

  2. Certificate of time deposit            -100%

  3. Original OR/CR ng sasakyan       -(7 years old and below)

                 1 year  -  90%

                 2 year  -  80%

                 3 year  -  70%

                 4 year  -  60%

                 5 year  -  50%

                 6 year  -  40%

                 7 year  -  30%

​

V. Ipapataw na Interes sa Utang

  1.      6 % per annum (diminishing method)

  2.      1% per month penalty kapag hindi tumupad sa lingguhang pagbabayad.

V.1.  Paraan ng Pagbabayad

Ang pagbabayad ay mag-uumpisa makalipas ang tatlong (3) buwan pagkatapos i-release ang inutang. Ito ay kasabay na babayaran ng datihang pagkakautang.

  1. Para sa mga direktang naapektuhan ng ASF (mga kasaping namatay ang mga alagang baboy at mga kasaping kasama sa 500 meters radius na sumailalim depopulation)

    • Babayaran sa 100b ng 78 weeks.

    • Mag-uumpisahan bayaran ang datihang utang makalipas ang 15 weeks.

  2. Para sa hindi direktang naapektuhan ng ASF (mga kasaping nagbenta ng baboy ng wala sa panahon sa murang halaga dahil sa ASF)  Babayaran sa 100b ng 52 weeks

    • Mag-uumpisahan bayaran ang datihang utang makalipas ang 15 weeks.

  3. Para sa mga hindi naapektuhan

    • 30 days term

VI. Pondo na Pagkukuhanan ng Ipauutang

1. Maglalaan ng Php15 Milyon mula sa savings operation.

VII. Kwalipikasyon

  1. Mga kasaping dumaan sa pagsasanay.

  2. Mga kasaping nais sumubok ng ibang negosyo.

  3. Lahat ng kasaping may magandang record sa pangungutang.

  4. Mga kasaping may utang na hindi hihigit sa dalawang (2) taon.

  5. Mga kasaping may angkop na lugar para sa pagmamanukan.

  6. Mga kasaping naapektuhan pero nagbayad ng higit sa 20% sa kaniyang utang.

  7. Mga kasaping handang sumunod sa programa.

  8. May kakayahang ibenta ang kanilang produksiyon.

VIII. Paraan ng Pagpapatupad

  1. Punan ang application form at kompletuhin ang mga dokumentong kailangan.

  2. Isumite sa Loans and Collections Department para sa validation.

  3. Gagawaan ng amortization schedule.

  4. Magkaroon ng mahigpit na monitoring ng FSRs.

IX. Mga Alituntunin

  1. Sertipikasyon mula sa Local Government Unit (Barangay) o confirmation at validation na isasagawa ng FSR.

  2. Hindi sakop ng polisiyang ito ang mga non-members na nakigamit ng pangalan sa mga kasapi.

  3. Alamin ang kabuuang utang ng apektadong kasapi.

  4. Magkakaroon ng kasunduan kung paano mababayaran ang pagkakautang.

X. PAMAMAHALA

Ang patakarang ito ay pamamahalaan ng Pangkalahatang Tagapamahala

XI. PAGTITIBAY AT PAGSUSUSOG

Ang patakarang ito ay susog sa POLISIYA NG CHICKEN LAYING na pinagtibay noong ika-3 ng Nobyembre, 2020. Ang alinmang nakasaad sa patakarang ito ay maaaring susugang muli ng nakararaming bilang ng Lupon ng Patnugutan. Pinagtibay at ipatutupad ngayong ika-29 ng Disyembre, 2020.

Get in Touch

  • Facebook
  • Instagram

Get in touch in every updates.

Follow us on Facebook and Instagram!

bottom of page